BLANGKO
ni Emmar C. Flojo
ni Emmar C. Flojo
‘Di ko alam kung saan magsisismula,
Sa tula kong di ko pilit magawa
Kahit sa panaghoy ng hanging
Diring pilit matatamasa.
Anupat mga bagay nagsisimula sa wala
Wari’y isang dukhang pilit gumagawa
Sisidlang isipan minsan nang pinagpala
Nag-iisang blangko tungo sa bagong simula
‘Di bat yaong nagsusumikap
Ang tunay na nagnakakalasap,
‘Di bat may pananabik
Ay siyang sisidlan ng pangarap
Isang natatanging blangko ang pinagmulan
Nang lahat ng letrang nabuo sa aking
isipan.
Bagamat malaya ka sa iyong paglalakbay,
Kailangan mo ring mag-isip para magkaroon
ng tibay.
Pakikip[agsapalaran ang taglay ng buhay
Isang tulad nitong tula ng kailangan mong
pagpawisan.
Mag-uumpisa sa walang-walang katiyakan
Walang-wala tulad ng blangkong papel sa
likuran.